SAAN MAS MURA BUMILI? SA LAZADA OR SHOPEE?










Sa panahon ngayon na ang mga tao ay hindi nakakalabas ng bahay, ilan sa atin ay mas pinipili na mag shpping on-line at ang pinaka popular na nga dito ay ang Shopee at Lazada, meron din namang iba katulad ng Zalora para sa mga damit at sapatos at Decathlon kung gusto mo ng mga gamit na related sa Sports. 

Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang mas mura sa dalawang on-line shop na ito?

Bilang isang namimili din on-line ng halos 3 years na, dati ay kay Lazada lang talaga ako nabili at wala ng iba, peromeron akong isang friend na minsan may binili akong item sa Lazada at na compare nya na same naming binili ay mas mura sa Shopee at free pa ang shipping.

So, bilang isang na curious eh nag try akong bumili ng item sa Shopee at compare nga kay Lazada ay mas mura ito at Free Shipping pa.

So, hindi na ba ako nag Lazada? Of course....Nag Lazada pa rin tayo kasi halos lahat ng gamit namin sa bahay na kailangan simula ng nag Pandemic ay sa on-line namin binibili, even Vitamins namin.

So dapat maging wise naman tayo di ba? Kasi nga mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon.

So...ang ginagawa ko is kapag may gusto akong bilhin sa Lazada at titingnan ko rin sa Shopee at kung saan ako mag makakamura, doon ako bumibili, pero BEWARE din po sa mga murang item sa Lazada t Shopee kasi baka Low Quality. 

So dapat, marunong ka ding mag check ng Ratings at Reviews ng products na bibilhin mo para hindi naman masayang ang pera mo.

Kasi marami pa ring mga items sa Lazada at Shopee na mura nga pero hindi maganda ang quality, minsan may mga item ako na binibili na mas mahal sa ibang seller dahil nakita ko na mas maganda ang quality at mas maganda ang Review Ratings ng kanilang Store.

Huwag agad mag decide na bumili kapag nakakita ng mura kasi baka napamura ka nga, madali namang masira, so isip isip din.

Basta ang bottom line sa pagbili sa Lazada or Shopee is maging wais at maging mapanuri sa mga Seller na bibilhan mo.

Mas maganda kung marami na silang Positive Reviews at maganda ang quality ng kanilang mga items.

So yon lang ang mabibigay ko na Tips! Nga pala, bago ko makalimutan, e check mabuti ang inyong binibili kasi may expereinced ako na akala ko mura yong isang Gaming Chair yon pala ang nabili ko is cover ng Gaming Chair na akala ko mura dahil yon ang nasa picture nila.

May mga iba kasing seller sa Lazada at Shopee na deceiving ang post, budol kumbaga kaya tingnang mabuti ang binibili baka matulad ka sa kapitbahay ko na akala malaking kama ang nabili nya, yon pala at kama ng Barbie....so paano sya hihiga doon eh para sa manika yon.

Hope may natutunan kayo sa aking mga tips!

So ayon na, kung gusto nyong mag shopping, click nyo lang ang link>>>

Lazada On-Line Shopping

Shopee On-Line Shopping

If nasa ibang bansa kayo at gusto nyo ring e try bumili sa Alibaba, just click the link below :)

Alibaba Shopping

Happy Shopping!

About the Author:


Cris Castillo is an online shopper since 2016 and used to be a call-center agent in an Australian Telecommunications company based here in the Philippines. 

A graduate of Business Administration Major in Management, he also become a Mang Inasal Manager for 1 year and 7 months. 

He is also a cryptopreneur since August 2017 and changed his life in that industry of cryptocurrency trading. He is now a full-time cryptopreneur, vlogger and a YouTuber who speaks already in some universities to teach newly graduates what is the importance of Digital Money and Entrepreneurship.

Comments